^

Police Metro

Assassination plot vs PBBM et al nais unahin ng prosecution panel

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nais unahin ng House prosecution team ang mga ebidensiya sa assassination plot laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa Senate impeachment court laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, ang nasabing panukalang pagkakasunud-sunod sa Articles of Impeachment ay kabilang sa isinumite ng prosecution team nitong Hunyo 22 pero nakasalalay pa rin aniya ang magiging pagkakasunud-sunod sa mga reklamo sa desisyon ng Senate Impeachment Court na maglilitis laban sa inakusahang lider.

Ipinaliwanag pa ni Adiong na ikinokonsidera ng prosekusyon ang istratehiya sa paglilitis at pang-unawa ng publiko sa pagpapanukala sa pagkakasunud-sunod ng presentasyon.

Ang nasabing paglilitis? ay hihimaying mabuti ng mga senator-judges at susubaybayan naman ng sambayanang Pilipino na dapat ay maunawaan ang mga alegasyon at ebidensya na kanilang ipririsinta.

Inihayag pa ng solon na kapag iprinisinta ang video footage ni VP Sara sa Articles sa assassination threat ay mabilis itong masusundan at mauunawaan ng publiko.

Inihayag naman ni Atty. Benjamin Talosa Jr., legal Spokesperson ng private prosecution team na ang “grave threats article” ay hindi gaanong kumplikado kapag iprini?inta na sa video footage pa lamang ay malinaw na ang banta.

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with