^

Probinsiya

64 ‘tulak’ timbog, P2 milyong droga samsam

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

Sa 24-oras drug ops sa Calabarzon

CAVITE, Philippines — Nasa 64 drug suspect ang naaresto at mahigit P2 milyong halaga ng droga ang nasamsam sa loob lamang 24-oras na anti-drug operation ng pulisya sa Calabarzon.

Base sa ulat, nagsimula ang drug operation ng alas-6 ng umaga ng Hunyo 16 hanggang alas-6 ng umaga ng Hunyo 17, 2026.

Isinagawa ang malawakang drug bust ng ng Calabarzon Police na nagresulta sa pagkakasamsam ng may 292.51 gramo ng shabu at 60.90 gramo ng marijuana na may kabuuang Standard Drug Price na P2,006,036.

Agad namang pinapurihan ni Regional Director PBrig. Gen. Hansel M. Marantan ang mga tauhan sa isinagawang operasyon at dedikasyon sa patuloy na paglaban kontra ilegal na droga.

“Alinsunod sa direktiba ni Chief PNP PGen Jose Melencio C Nartatez Jr, hindi tayo titigil sa kampanya laban sa ilegal na droga. Sa CALABARZON, walang ligtas na kanlungan ang mga sangkot sa iligal na gawain. Hahanapin namin kayo, aarestuhin, at pananagutin sa batas,” ani PBGen Marantan.

CALABARZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with