Joross nakabalik na sa canada kasama ang dongyan, malabo na kina Alden at Kathryn

Confirmed talagang lucky charm ang pambansang bespren na si Joross Gamboa.
Kaya naman pasok siya sa Remember nina Dingdong Dantes and Marian Rivera na nagso-shooting sa kasalukuyan sa Quebec, Canada.
Kabilang si Joross sa Rewind nina Marian at Dingdong na sumira ng box office record sa takilya.
Andun din siya sa Hello, Love, Again nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na nangwasak din ng record sa takilya.
Kaya naman, sa latest post ni Joross ng mga photo nila ng DongYan, para sa movie nilang Remember na kuha nga sa Quebec, grabe na agad ang anticipation ng mga faney.
“Remember Rewind?… same same but different…,” caption niya na andun din si Direk Mae Cruz-Alviar.
Masaya ang fans para kay Joross dahil nakabalik daw siya sa Canada. Samantalang ‘yung Hello, Love, Again, wala na raw pag-asang magkaroon ng sequel or reunion dahil nga sa nangyari kina Alden and Kathryn na hindi pa raw talaga nagkakaayos pagkatapos nilang gawin ang nasabing pelikula na sa Canada rin nag-shoot.
- Latest


























