^

Police Metro

2 senior todas sa SUV crash

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang senior citizens ang nasawi habang apat ang nasugatan matapos ang kanilang sinasakyang Sports Utility Vehicle (SUV) ay nahulog sa isang sapa na dadalo sana sa death anniversary ng misis ng driver sa Barangay Santa Cruz, Badoc, Ilocos Norte, noong Biyernes ng gabi.

Ang isang senior citizen ay idineklarang dead-on- arrival sa Sinait District Hospital habang ang isang 74-anyos na lola ay binawian naman ng buhay sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-6:25 ng gabi noong Biyernes nang mangyari ang sakuna sa kahabaan ng national highway sa nasabing bayan.

Nabatid na minamaneho ng 69-anyos na kulay abong Toyota Fortuner na taga Langangilang, Abra nang maidlip ito bunsod upang mawalan ng kontrol sa manibela.

Bunga nito, tuluy-tuloy na bumulusok sa sapa sa tabi ng highway ang SUV na ikinasawi ng dalawang biktima habang sugatan naman ang driver at apat pang katao.

Nabatid ang mga biktima ay magkakamag-anak na galing Abra ay patungo sana sa Cagayan para dumalo sa death anniversary ng misis ng driver ng mangyari ang trahedya.

Isinasailalim pa ng mga otoridad sa masusing imbestigasyon ang kasong ito.

SENIOR CITIZENS

SUV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with