Ginto
Pang “That’s Incredible” ang presyo ng tickets sa NBA Finals ng New York Knicks at San Antonio Spurs.
At least sa Madison Square Garden sa New York, ginto ang presyo para sa Games 3 and 4.
Sa San Antonio ginawa ang first two games kaya lilipat ito sa New York para sa next two. Then palitan sila kung kailangan ng Games 5, 6 or 7.
Nanalo ang Knicks kahapon kaya 2-0 sila.
Para makapasok ka sa Game 3 sa Martes, pinakamura na ang $7,500 sa secondary online market.
Walastik – P450,000 ‘yun. Sa taas pa na upuan ‘yun ah.
Presyo na ng isang second hand na Toyota Vios sa atin.
Sa Row A daw ng ringside, $102,880 ang bentahan or P6.1 million.
May binebenta ang Knicks na dalawang tickets sa celebrity row para idonate sa isang foundation. Ang ticket na may halagang $39,000, may offer na daw na P100,000.
Malay mo, makatabi mo si Brad Pitt.
- Latest




















