Sarah L., kinarir ang pag-awit!
May ibang Instagram account si Sarah Lahbati na puro reels lang ang pino-post at reels with her singing lang ang matsi-check.
New account lang ito, may seven posts pa lang siya, pero may more than 3K followers na na nag-i-enjoy sa kanilang napapanood.
In one reels, kinanta ni Sarah ang Huling El Bimbo ng Eraserheads at sa isa pang reels, ang With A Smile ng Eheads ang kanyang kinanta. Mukhang Eheads fan siya and in both reels, may pianist na nag-accompany sa kanya.
Ang mas kinagiliwan ng followers ni Sarah ay nang kantahin niya ang La Vie en Rose, isang French song. Sarah speaks French, kaya komportable siyang kantahin, she was able to give the right emotions and pronunciation.
May mga nagulat na marunong palang kumanta siya and in French pa. May mga napayo sa kanya na ilagay niya sa Spotify ang video para mas marami ang makapanood. Masarap daw pakinggan, classy ang kanyang pagkakanta at mabuti na inilabas niya ang kanyang hidden talent.
May reels din siya playing the guitar, another talent na ngayon lang nalaman ng marami. She is requested by her followers to post more reels with her singing dahil ngayon lang nila nakitang kumakanta siya.
And speaking of Sarah, pinuri siya ng followers sa post niyang “I wlll always prioritize my kids no matter what, they will always be my number one.” Tamang desisyon daw ito na bigyan niya ng prayoridad ang kanyang mga anak.
Mond, sa bansa na maglalagi?!
Mababasa ang comment ng boyfriend ni Mond Gutierrez na si Rob William na “Handsome” sa post ni Mond that he’s back to hosting. Pinost nito an reels ng first episode ng Agenda kung saan, isa na siya sa hosts.
“Back on live TV and back to my hosting roots.
“Thank you for the warm welcome @bnc.ph,” post ni Mond.
Nakasulat na guest anchor ang status ni Mond, pero sa bansa pa rin siya mamamalagi. Paano na ang BF nito? Sabagay, puwede namang lumipad pa-LA si Mond o kaya’y ang BF ang lumipad pa-Pilipinas para magkita sila ni Mond.
Anyway, ang ganda ng message ni Anne para kay Mond, “We missed this side of you money!” na ang gustong tukuyin ay ang pagiging host ni Mond. Sabi naman ni Doc Hayden Kho, “Mond with a mic is alpha!”
Na-curious lang kami sa nag-comment na “Noli de Castro is shaking!” kung ano ang gustong tukuyin ng netizen. Naisip na lang namin na dahil siguro sa hairstyle ni Mond na kapareho ng hairstyle ni Noli.
Inaabangan na ang segment ni Mond sa Agenda dahil siguradong labasan ng mga sosyal na tao, sosyal na venues at sosyal na OOTD o Outfit of the Day..
Kuh, aawra sa concert
Nagbiro ang press na present sa mediacon ng Ngayon at Kailanman: The Music of Canseco na hindi lang ang compositions ni George Canseco dahil sa binanggit ni Kuh Ledesma na abangan din ang kanilang isusuot. Parang warning daw ‘yun ni Kuh kina Jona, Rita Daniela, Leah Navarro at Dulce na mangangabog siya sa kanyang OOTD (Outfit of the Day) sa gabi ng concert.
Kilala si Kuh na isa sa singer na hindi lang boses at performance ang ipinamamalas kapag may concert dahil panalo rin ang wardrobe nito.
Performers din sa one night concert happening on June 13, 2026 sa Newport Performing Arts Theater sina Anthony Castelo, Mark Bautista at Basil Valdez. Lahat sila, compositions ni Canseco ang kakantahin at siguradong makiki-sing-along ang audience na minahal din ang mga awitin ni Canseco.
Sa mediacon, na-share ni Kuh na for George to write a beautiful composition, dapat itong ma-in love sa napiling singer na kakanta ng kanyang composition. Pero, nilinaw agad nito na hindi siya kasama sa kinainlaban ni George, kinanta lang niya ang ibinigay na composition nito gaya ng Dito Ba?
Siniguro nila Kuh na mag-i-enjoy ang manonood ng concert na produced ng Viva Live. This is directed by Frank Mamaril at si Louie Ocampo ang musical director.
- Latest

























