Tolentino palalawakin ang speed cubing sa Pinas

MANILA, Philippines — Target ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino na mas lalo pang palaguin ang speed cubing sa bansa.
Nakita ni Tolentino ang potensiyal ng speed cubing matapos dumugin ang ilang events na ginanap sa Tagaytay.
Ginanap ang unang Philippine National Speed Cubing Open sa Tagaytay City Combat Center noong Miyerkules at Huwebes.
“We are pleased as we saw everyone’s enthusiasm in the cube,” ani Tolentino.
Kaya naman isusulong ni Tolentino na mapasama ang speed cubing bilang demonstration sport sa kauna-unahang Southeast Asian Games Youth Plus na idaraos sa susunod na taon sa Maynila.
Matapos ang national tournament, sunod na tatargetin ni Tolentino ang hosting ng Asian Championships.
“We have unlocked a new era in speed cubing—from long time ago when as kids, we got enamored with the Rubik’s Cube,” ani Tolentino.
Si Tolentino ang namumuno sa National League of Mind Sports at sa Asian Mind Sports Association (AMSA).
Isa sa mahuhusay na players ng bansa si Crimson Arradaza na isang 15-anyos mula Baguio City.
Nagtala ito ng bagong world record sa 3x3x3 one-handed speed cubing event.
Nagpasiklab din sina Brenton Wong (regular cube) at Aragon Martin Gonzales (Pyraminx).
Si Arradaza ay incoming ninth grader sa Balay Sofia Inc. sa Baguio City.
Binasag nito ang dating world record na 5.66 segundo na naitala ni Dhruva Sai Meruva ng Switzerland noong Oktube 2024 sa Swiss Nationals 2024 sa Basel.
- Latest

















