^

PSN Palaro

2 Palaro record winasak ni Canalita

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

AGUSAN Del Sur, Philippines — Dalawang record na ang binura ni Central Visayas runner Jhul Ian Canalita sa 2026 Palarong Pambansa na ginaganap sa Datu Lipis Makapandong Gov. D.O Plaza Sports Complex dito.

Winasak ng 17-anyos na si Canalita ang sariling record nang magwagi ito sa se­condary boys’ 3,000-meter steeplechase event kahapon.

Magandang alaala ang iiwan ni Canalita sa kanyang huling taon sa nasabing event, nirehistro nito ang siyam na minuto at 11.40 segundo upang basagin ang 9:23.89 na naitala niya sa nakaraang taong Palarong Pambansa sa Laoag, Ilocos Norte.

Napunta kay Elmer Dizon ng Cagayan Valley ang silver medal (9:33.32 habang ang pambato ng NCR na si Jaime Rafael ang nakasikwat ng bronze sa nilistang 9:47.10.

“Masaya sa last year ko, nadepensahan ko yung main event ko. Masarap sa pakiramdam,” ani Canalita.

Noong Martes, nagtala si Canalita ng bagong Pa­laro record sa secondary boys’ 5000-meter run sa itinakbong tiyempo na 15 minuto at 15.22 segundo sapat para talupan ang Palaro record na 15:16.31 nakaraang taon.

Sa swimming, limang records ang nabura kung saan ay nagtala ang pambato ng CALABARZON na si Charles Nathan Boneo ng 27.77 segundo sa elementary boys’ 50-meter butterfly upang tuldukan ang 26-taon record na 28.03 na ginawa ni Ronald Guiriba.

Nagpasiklab naman ang panlaban ng National Capital Region na si Patricia Mae Santor nang itarak nito ang 28.98 seconds para palitan na ang 29.06 record ni Camille Lauren Buico may pitong taon na ang nakalipas.

CENTRAL VISAYAS

PALARONG PAMBANSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with