^

PSN Palaro

Veteran spikers sa Alas Pilipinas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ilang key players pa ang maugong na maglala­ro para sa Alas Pilipinas na sasabak sa AVC Wo­men’s Cup na gaganapin sa Hun­yo 6 hanggang 14 sa Candon.

Isa na rito si outside hitter Myla Pablo na malaki rin ang maitutulong sa team upang mas mapalakas ang kampanya nito.

Nauna nang lumutang ang pangalan ni Creamline team captain Alyssa Valdez subalit wala pa itong pinal na kumpirmasyon.

Bukod kay Valdez, na­pa­ulat din ang pagpasok nina middle blocker Thea Ga­gate, outside hitter Ho­ney Royse Tubino at vete­ran opposite spiker Jovelyn Gonzaga.

Makailang ulit nang na­ging bahagi ng national team sina Gagate, Tubino at Gonzaga.

Ilan pa sa mga nabanggit si reigning NCAA Most Valuable Player Zam No­las­co gayundin sina Ces Mo­lina, Nina Ytang at Trisha Tubu.

Pasok din sa pool sina National University standouts Arah Panique, Vangie Alinsug, Shaira Jardio at Celine Marsh na bahagi ng team na nagtapos bilang runner-up sa katatapos na UAAP Season 88.

Wala pang pinal na anunsiyo ang Philippine Na­tional Volleyball Federation (PNVF) sa magiging official lineup ng team para sa AVC Women’s Cup.

Wala rin kumpirmas­yon ang mga nabanggit na pla­yers sa estado ng kanilang paglalaro ngunit maglalabas na ng statement ang PNVF.

AVC

MYLA PABLO

VALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with