Valdez hindi mapapagod maglaro para sa bansa

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Creamline team captain Alyssa Valdez na hindi ito mapapagod na na katawanin ang bansa sa mga international tournaments.
Isa mga maugong na pangalan si Valdez upang pamunuan ang Alas Pilipinas na papalo sa 2026 AVC Women’s Cup na gaganapin sa Candon sa susunod na buwan.
Wala pang pormal na anunsiyo ang Philippine national Volleyball Federation sa mga players na magiging bahagi ng Alas Pilipinas para sa AVC Women’s Cup.
Mismong si Valdez ay wala pang detalye.
“I will never get tired of representing the country, and hopefully, makatulong po tayo in our own little ways,” ani Valdez.
Sinabi ni Valdez na wala pa itong pinal na sagot kung maglalaro ito sa AVC Women’s Cup.
“Yung mga details and other things po, pasensya na po, wala rin po ako masyadong alam.But definitely, once we all have the answers, we will all let you know and sana maintindihan n’yo po,” ani Valdez.
Lumutang ang pangalan ni Valdez matapos lumiban sa national team duty ang karamihan sa Alas Pilipinas pool kabilang na ang teammate nito sa Creamline na si playmaker Jia de Guzman.
Hindi rin maglalaro sina Bella Belen, Shaina Nitura at Alyssa Solomon.
Kaya naman pinaplano pa ng PNVF ang mga susunod na hakbang nito kabilang na ang pagbuo ng solidong team para sa AVC Women’s Cup.
Ilang mga players sa NCAA at UAAP kasama ang ilang PVL players ang posibleng maging miyembro ng Alas pool.
“For me, napakasaya to be surrounded by young talented girls, and hopefully, dumami pa rin and sana talaga tulungan tayo and support these girls,” ani Valdez.
Huling naging bahagi ng national team si Valdez noong 2023.
Noong nakaraang taon sa AVC Women’s Cup, nagtapos bilang silver medalist ang Alas Pilipinas matapos matalo sa Vietnam sa finals.
- Latest






















