^

PSN Palaro

Elasto painters sumampa sa semis

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Elasto painters sumampa sa semis
Sumalaksak si Rain or Shine import Jaylen Johnson laban kay San Miguel reinforcement Bennie Boat- wright sa kanilang quarterfinals tmatch.
PBA

MANILA, Philippines — Inangkin ng No. 3 Rain or Shine ang unang semifinal berth ng Season 50 PBA Commissioner’s Cup matapos sibakin ang No. 6 San Miguel, 113-104, sa kanilang quarterfinals match kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Hindi na nagamit ng Elasto Painters ang hawak nilang ‘twice-to-beat’ incentive sa pagpapatalsik sa Beermen.

Lalabanan ng Rain or Shine sa isang best-of-seven semis series ang mananalo sa quarterfinal duel ng No. 2 Barangay Ginebra at No. 7 Phoenix na naglalaro pa kagabi habang isinusulat ito.

“Itong mga ito medyo nakuha nila iyong rhythm nila ng three-point shoo­ting, so because we’re a little bit prepared today than the last time, na-survived namin,” ani coach Yeng Guiao sa kanyang tropa na nagsalpak ng 19 three-point shot.

Kumamada si guard Andrei Caracut ng 29 points tampok ang anim na triples at isang four-pointer para pamunuan ang Elasto Painters.

Personal na pinanood si Caracut ni Capital1 Solar Spikers star Bella Belen.

“Inspired lang ako si­yempre, nagtatrabaho iyong mga teammates ko,” ani Caracut. “Nakaka-inspire na ipanalo iyong game na ito.”

Nagdagdag sina import Jaylen Johnson at Caelen Tiongson ng tig-23 mar­kers at pinagsamang 16 rebounds at 12 assists, habang may 18 points si Adrian Nocom.

Binanderahan ni balik-import Bennie Boatwright ang Beermen sa kanyang 24 points at may 19, 14, 12 at 10 markers sina CJ Perez, Don Trollano, June Mar Fajardo, Jericho Cruz at Kris Rosales, ayon sa pagkakasunod.

Mula sa 57-56 halftime lead ay nakalayo ang Rain or Shine sa 80-68 sa hu­ling apat na minuto ng third period.

Isang 15-0 atake ang inilunsad ng San Miguel para agawin ang 83-80 abante sa huling 28 segundo ng nasabing yugto.

Matapos idikit nina Cruz at Boatwright ang Beermen sa 97-99 sa 4:27 minuto ng fourth quarter ay isang 14-3 bomba ang inihulog ng Elasto Painters tampok ang 4-pointer ni Caracut, triple ni Tiongson at 3-point play ni Johnson para sa kanilang 113-100 lead sa natitirang 1:15 minuto.

ELASTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with