Gregorio may pangarap sa mga Pinoy cyclist
MANILA, Philippines — Kung mayroon mang pangarap si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Patrick ‘Pato’ Gregorio para sa mga Pinoy cyclists, ito ay ang makasali sa prestihiyosong Tour de France.
At kailangan lang ay paghusayan ng mga local riders ang kanilang pagpadyak sa MPTC Tour of Luzon na nilalahukan ng ilang bigating foreign cyclists kagaya nina 2025 champion Joo Dae Yeong ng Gapyeong Cycling Team at 2026 winner Nikita Shulchenko ng LCW UAE Cycle.
“That is my dream to have a Filipino cyclist participating in the Tour de France,” sabi ni Gregorio. “Hindi na malayong mangyari iyan with the talent that we have.”
Sa katatapos lamang na 14-stage, 1,821.1-kilometer race na MPTC Tour of Luzon 2026 ay nakasingit ng panalo sina Pinoy riders Dave Montemayor ng Go for Gold Philippines sa 140.1 km Stage 3 at Ryan Tugawin of Excellent Noodles sa 157.4 km Stage 8.
Hinirang naman ang 7-Eleven Cliqq Roadbike Philippines bilang kampeon sa Team General Classification sa itinalang 162:25:49 para ibulsa ang premyong P2 milyon.
Samantala, tiniyak ni Gregorio ang muling pagdaraos ng MPTC Tour of Luzon sa susunod na taon kung saan inaasahan ang pagsali ulit nina Joo at Shulchenko.
- Latest
























