^

PSN Palaro

Joo nagparamdam sa stage 11 ng tol

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Joo nagparamdam sa stage 11 ng tol
Itinaas ni 2025 champion Joo Dae Yeong ng Gap yeong Cycling Team ang kanyang bike sa paghahari sa Stage 11 ng MPTC Tour of Luzon 2026. (Kuha ni Russell Palma)
STAR/ File

SAN JUAN, La Union, Philippines — Matapos ang 10 pagtatangka ay nakakuha na rin ng stage win si Joo Dae Yeong ng Gapyeong Cycling Team sa MPTC Tour of Luzon 2026.

Nagsumite ang MPTC Tour of Luzon 2025 edition champion ng bilis na tatlong oras, 19 minuto at 16 segundo para dominahin ang 158.7-kilometer Stage 11 na pinakawalan sa Candon City Arena sa Ilocos Sur at nagtapos dito sa San Juan Town Hall kahapon.

Pumangalawa si Malaysian National Team member Saniy Syahmi Mohd Safiee na 11 segundo ang agwat kasunod si Dominic Perez ng P­angasinan na 12 segundo ang layo.

“It was really hard for me to go breakaway but I’m very happy to win the race,” sabi ni Joo sa kanyang pagtakas sa isang 17-rider lead pack sa six-lap Candon by-pass route.

“I thought it was intense because the race situation was a little bit loose. My legs is not good, but I saw the timing to go,” dagdag pa ni Joo.

Rumemate ang two-time South Korean national champion sa huling 55 kilometro sa Sta. Cruz, Ilocos Sur para pakainin ng alikabok ang kanyang mga kasabay patungo sa solong pagtawid sa finish line.

“Kailangan kong mag-podium para sa Team Pa­ngasinan kaya ginawa ko na iyong best ko,” wika naman ni Perez.

Sa kabila ng pagpuwesto ni Stage Nine winner at yellow jersey owner Nikita Shulchenko ng LCW UAE Cycle sa No. 52 ay patuloy niyang pinamumunuan ang Individual General Classification sa oras na 32:57:30 kasunod sina LCW-UAE teammate at Stage One king Yousef Ibrahiem Alrefai (-0:03:41) at Stage 10 ruler Antoine Huby ng 7-Eleven Cliqq Roadbike Philippines (-0:03:54).

Nangunguna pa rin ang 7-Eleven sa Team General Classification sa kanilang 131:05:38 kasunod ang Go for Gold (-0:02:20) at Standard Insurance Philippines (-0:13:12).

Hahataw ngayong umaga ang 141.4-km flat route Stage 12 dito sa Eagle of the North sa Agoo, La Union at magtatapos sa Mangatarem, Pangasinan.

Bukas naman papad­yak ang Stage 13 Indi­vidual Time Trial sa Lingayen-Binmaley Baywalk (20.00 kms)).

Kasunod nito ang pina­kahuling Stage 14 sa Miyerkules mula sa Lingayen patungong John Hay Hotels via Kennon Road.

JOO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with