^

PSN Palaro

Let me try again

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Gustong buhayin ni John Amores ang basketball career niya.

Siguro naman, kilala n’yo siya dahil sa mga contro­versies na kinasangkutan niya habang naglalaro sa NCAA, MPBL at PBA.

Mainitin ang ulo at madalas mapaaway at nung 2024, nainvolve sa barilan sa Laguna. Nabansagan tuloy siyang “John Wick.”

Kung nung sa away eh nasipa lang siya sa NCAA, doon sa shooting incident eh natanggalan siya ng playing license.

Nawalan ng trabaho, nagsisi at nag community service for two years. Nagwalis sa kalye, nagturo sa mga bata at bumisita sa mga orphanage.

Humirap ang buhay ni Amores na tatlo na ang anak. Umabot sa punto na wala siyang pambayad sa panganganak ng asawa at pambili ng gatas.

Umasa sa mga kaibigan. At patuloy na nagpakita ng pagbabago.

Ngayon, mukhang ibabalik na ng Games and Amusement Board ang playing license ni Amores kahit na magiging patuloy ang monitoring sa kanya.

Humihingi si Amores ng second chance. Third chance actually. Kung saan man may kumuha sa kanya, doon siya maglalaro.

Dapat bang pagbigyan si Amores?

Sige, last chance.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with