P7.3 million
Nagkaroon pala ng tug-o-war para sa serbisyo ni Bol Bol sa PBA Commissioner’s Cup.
At kung tama ang bulong ng katropa natin na si Homer Sayson, sumubok pero nabigo ang Magnolia na kunin ang 7-foot-3 na NBA veteran.
Ang ending, sa TNT napunta si Bol, ang pinakasikat na import ngayon sa PBA.
Bagama’t $25,000 a month ang basic salary cap ng imports sa PBA, pwede ito lumampas kung isasama mo ang bonuses at other perks.
In short, sky’s the limit din.
Kaya ang kwento, umabot sa $90,000 ang offer ng Magnolia of P5.4 million a month para kay Bol. Ang dehins alam ni Homer eh kung bakit ito naudlot.
Kaya napunta si Bol sa TNT. Again, unofficially, sumasahod daw si Bol ng $120,000 or P7.3 million a month sa TNT.
Kaso, dehins din mabuhat ni Bol ang TNT sa itaas ng standings at sa kartang 6-4, kailangan nila ipanalo ang last two games nila para magkaroon ng laban sa Top 4 spots na may twice-to-beat advantage sa quarterfinals.
Mas nanganganib naman ang Magnolia, na nakadalawang palit ng imports, sa 5-5.
Nagbakbakan kagabi ang TNT at Magnolia. Crucial game dahil pwede silang magtabla sa 6-6 kung Magnolia ang nanalo.
Dehins natin alam kung umabot kay Bol ang tug-o-war para sa kanyang services or ipinaubaya lang niya sa agent or manager niya ang lahat.
Baka best offer lang ang labanan.
- Latest


















