^

PSN Palaro

Lady Spikers kasado na sa UAAP Finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Mahigit dalawang linggo ring nabakante ang De La Salle University bago sumalang sa Game 1 ng UAAP best-of-three championship series laban sa National University.

Ngunit walang balak ang Lady Spikers na magmukhang nangalawang dahil ginamit nito ang mahabang panahon upang hasain pa ng husto ang kanilang tropa bago ang finals.

Huling nasilayan sa aksyon ang La Salle noong Abril 19 nang talunin nito ang defending champion NU sa eliminasyon para makumpleto ang 14-0 sweep.

Ito ang nagbigay ng awtomatikong tiket sa La Salle sa finals.

Dahil dito, nauwi sa stepladder ang semis.

Unang nagharap ang University of Santo Tomas at Far Eastern University sa playoffs para sa No. 4 seed.

Nakuha ng UST ang No. 4 seed kung saan tinalo nito ang No. 3 seed Adamson University sa first phase ng stepladder.

Naputol ang ratsada ng UST nang matalo ito sa NU sa second phase ng stepladder.

Naikasa ng Lady Bulldogs ang pakikipagtuos sa Lady Spikers sa finals na magsisimula bukas (Miyerkules).

Habang naghihinay, unti-unti nang pinag-aralan ng La Salle ang galaw ng NU.

Matatandaang dumaan muna sa butas ng karayom ang La Salle bago makuha ang 27-25, 15-25, 23-25, 25-23, 15-13 panalo sa NU sa kanilang huling pagtatagpo.

Ayaw na rin ng La Salle na maulit ang nangyari sa kanila noong Season 76 kung saan na-sweep din nito ang eliminasyon hawak ang thrice-to-beat advantage.

Subalit natalo ang La Salle sa finals series kontra sa Ateneo na binanderahan noon ni Alyssa Valdez.

NU

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with