91 riders patatagan ng binti

MPTC Tour of Luzon 2026 lalarga na
CALATAGAN, Batangas, Philippines — Ang resulta ng sakripisyo at ilang buwang ensayo ng mga siklista ay makikita sa pagsisimula ngayong araw ng MPTC Tour of Luzon 2026 dito.
Sasalang ang 91 cyclists mula sa anim na foreign teams at pitong local squads sa Stage One na may distansyang 150.1 kilometro mula sa Calatagan, Batangas patungong Tagaytay City.
Inaasahang may target sa kanyang likod si Joo Dae Yeong ng Gapyeong Cycling Team na nagkampeon sa eight-stage 2025 edition.
Babantayan din ang MPTC Drivehub na bumida sa team classification.
Aagaw naman ng atensyon ang Eleven Cliqq Roadbike na gagabayan ni Jonel Carcueva katuwang sina foreign riders Antoine Huby, Jonty Harris at Cormac McGeough Breffni.
Bukod sa Gapyeong Cycling Team, ang iba pang foreign squads ay ang Seoul Cycling Team ng Korea, National Team ng Malaysia, Ponti Wijaya ng Indonesia, LCW UAE Cycle at Hong Kong-based CCN Factory Racing team.
Kahanay ng MPTC DriveHub at 7-Eleven Cliqq Roadbike Philippines ang mga local teams na Go For Gold Philippines, Standard Insurance Philippines, DReyna Orion Cement Pro Cycling Team, Excellent Noodles at Pangasinan Cycling Team.
Kabuuang premyong P12 milyon ang paglalabanan sa nasabing 1,821.1-kilometer, 14-stage race.
Ang individual champion ay tatanggap ng P1 milyon, habang ang team titlist ay magbubulsa ng P2 milyon.
Matapos ang Stage 1 ay pakakawalan bukas ang 43.40-km team trial Stage 2 mula Clark, Pampanga hanggang New Clark City sa Tarlac.
Pinamunuan nina Patrick “Pato” Gregorio, chairman ng Tour co-presenter Philippine Sports Commission at tinatawag na “Father of the Tour of Luzon Revival,” at MPTC Tour of Luzon Chief Organizer at CEO Arrey Perez ang Opening Ceremony Team Presentation sa CaSoBe.
“The great revival in 2025 is now in motion in 2026. Salamat sa support ng MPTC and lahat ng sponsors,” ani Gregorio. “Perfect example that in sports there is also public and private sector collaboration.”
- Latest





















