8 teams bakbakan para sa Final Four spot sa SGVIL

MANILA, Philippines — Bawal kumurap ang walong natitirang teams na nagha-hangad na makasampa sa Final Four sa Shakey’s Girls Volleyball Invitational League (SGVIL) Rising Stars Cup Division 1 na ginaganap sa La Salle Green Hills Gym.
Magsisimula ang knockout quarterfinal sa ngayong alas-10 ng umaga sa tournament na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, at R and B Milk Tea.
Haharapin ng defending champion National University Nazareth School ang determinadong St. John’s Institute sa court 1.
Walang dungis sa apat na laro ang Lady Bullpups sa Pool A, puntirya nila ang kauna-unahang back-to-back title sa ligang mapapanood sa live and on-demand via PusoP.com livestream at Solar Sports.
Ipaparada ng NUNS sina Raine Alonzo, Bella Cruz at Alas Pilipinas Girls member Xyz Rayco para manatiling malakas ang tsansa na maipagtanggol ang korona.
Ibabandera naman ng Pool C second seed SJI sina high-scoring winger Caera Celis at Kristel Mirasol para makasikwat ng major upset.
Wala ring dungis sa apat na laban, kakalabanin ng last year’s runner-up Bacolod Tay Tung ang Season 2 champion Adamson University.
Ang University of Santo Tomas na winalis din ang mga kalaban sa Pool D sa group stage ay makikipagpaluan ng bola sa King’s Montessori School habang ang unbeaten na Far Eastern University-Diliman ay makakaharap ang Immaculada Conception College sa Court 2.
- Latest



















