2nd gold ng Pinas nilundag ni Grospe

MANILA, Philippines — Nilundag ni Leonard Grospe ang ikalawang gld medal ng Team Philippines sa 6th Asian Beach Games matapos pagharian ang men’s high jump competition kahapon sa Phoenix Island sa Sanya, China.
Nagtala ang tubong Dilasag, Aurora ng 2.05 meters sa kanyang first attempt para makuha ang gintong medalya.
Tinalo ni Grospe via count back sina Po-Ting Yeh ng Chinese Taipei at Hao Zhang ng China mula sa magkakatulad nilang 2.05m.
“It’s my first time. First time din ang event na high jump sa beach. So, nag-a-adjust pa tayo for that kasi masyadong madulas,” ani Grospe.
Si Alexandria Luz Enriquez ang unang nagbigay ng gold sa Team Philippines sa kanyang panalo sa jiu-jitsu women’s 63 kilogram division kamakalawa.
Samantala, lalaban ngayon para sa gold medal si Jessica Laurance matapos bumandera sa kanyang heat sa women’s 60m run.
- Latest

























