Eala olats kay Mertens sa Round of 64
MANILA, Philippines — Minalas si Pinay tennis sensation Alex Eala kay World No. 21 Elise Mertens ng Belgium, 2-6, 1-6, sa Round of 64 ng Mutua Madrid Open kahapon.
Nagmula si Eala sa 6-3, 6-3 panalo kay veteran qualifier Anastasia Pavlyuchenkova sa una niyang laban.
Ngunit kontra kay Mertens ay hindi na umubra ang Pinay netter.
Nauna nang napatalsik si Eala sa Round of 16 ng Linz Open at sa Round of 32 ng Stuttgart Open.
Hindi pa rin naman ganap na sibak si Eala sa torneo dahil sa 6-2, 6-2 paggupo nila ng katambal niyang si Zeynep Sonmez ng Turkey kina Chan Hao-ching at Fanny Stollar sa first round ng women’s doubles noong Biyernes.
- Latest

















