Gandler binigyan ng payo ni Valdez

MANILA, Philippines — Si Alyssa Valdez ng Creamline ang iniidolo ni Cignal star Vanie Gandler simula sa UAAP hanggang sa PVL.
Ilang minuto matapos walisin ng Cool Smashers ang Super Spikers sa 2026 PVL All-Filipino Conference best-of-three championship series ay naupo sa sahig si Gandler at nag-iiyak.
Nilapitan siya ni Valdez at niyakap sabay bigay ng lakas ng loob.
“Alam ko kung gaano pinaghirapan ni Vanie at kung gaano trinabaho ni Vanie para maging sino siya ngayon. So I’m very, very proud of her,” sabi ng 32-anyos na si Valdez sa 25-anyos na si Gandler.
Naniniwala ang ‘The Phenom’ na makakamit rin ni Gandler ang una niyang PVL crown.
Bigo man si Gandler, kagaya ni Valdez ay produkto rin ng Ateneo de Manila University, na makuha ang unang PVL crown ay hinirang naman siyang AFC Most Valuable Player.
“She’s always been an ate to me. And of course, she was once my idol,” ani Gandler kay Valdez.
- Latest



















