^

PSN Palaro

41 pts ni Boatwright gumiba sa NLEX

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
41 pts ni Boatwright gumiba sa NLEX
Bennie Boatwright (25) once again led San Miguel with 34 points ,10 rebounds and five assists, making 13 of his 25 field goal attempts.
PBA Image

MANILA, Philippines — Kumolekta si balik-import Bennie Boatwright ng 41 points at 11 rebounds para tulungan ang San Miguel sa 98-94 pagtakas sa NLEX sa Season 50 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Tinapos ng Beermen ang dalawang sunod na kamalasan para itaas ang baraha sa 5-4 at buhayin ang pag-asa sa quarterfinals spot.

Umiskor si Marcio Lassiter ng 16 points, tampok ang tatlong three-point shots habang may 13, 11 at 10 markers sina CJ Perez, Jericho Cruz at June Mar Fajardo, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan ni import Cady Lalanne ang Road Warriors, nagwakas ang four-game winning streak para sa 6-2 kartada, sa kanyang 35 points at 12 boards.

Nalimitahan si star guard Robert Bolick sa siyam na puntos.

Bigo ang NLEX na proteksyunan ang itinayong 15-point lead, 35-20, sa first period nang banderahan ni Boatwright ang pag-agaw ng San Miguel sa 50-48 bentahe bago ang halftime.

Tampok sa pagbangon ng Beermen ang magkadikit na triple ni Lassiter.

Matapos ang basket ni Richie Rodger sa pagbubukas ng third quarter para sa 54-50 abante ng NLEX ay isang 14-0 bomba ang inihulog ng SMB kasama ang magkasunod na four-point shot ni Boatwright para sa kanilang 64-54 paglayo sa 8:53 minuto nito.

Pinalobo ito ng Beermen sa 79-68 sa pagsisi­mula ng final canto bago nakatabla ang Road Warriors sa 89-89 mula sa 3-pointer ni Lalanne sa huling 3:37 minuto.

Ang triple ni Lalanne ang nagtaas sa NLEX sa 94-92 sa huling 1:26 minuto ng laro.

BENNIE BOATWRIGHT

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with