^

PSN Palaro

Final Four spot target ng Adamson

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
Final Four spot target ng Adamson
Adamson's Shai Nitura
UAAP Media Bureau

MANILA, Philippines — Puntirya ng Adamson University na masilo ang pa­ngatlong ticket sa Final Four sa pagharap nila sa Far Eastern University sa UAAP Season 88 women’s volleyball tournament na lalaruin sa UST Quadricen­tennial Pavilion, Manila.

Magbabakbakan ang Adamson at FEU ngayong alas-5 ng hapon, habang mag­tatapat ang Ateneo de Manila at University of the East sa alas-11 ng umaga.

Solo sa third spot ng team standings ang Lady Fal­cons tangan ang 8-5 karta at kailangan nilang maipanalo ang huling laro nila sa 14-game elimination round para makatiyak na papalo sila ng bola sa semifinals.

Muling ipaparada ng Adamson ang kamador nilang si Shaina Marie Nitu­ra para ikahon ang pangat­long sunod na panalo at madala sa susunod na phase ang mataas na kumpiyansa.

Tumikada si Nitura ng 26 points mula sa 23 kills at tatlong blocks nang kalusin ng Lady Falcons ang University of the Philippines Fighting Maroons, 25-19, 25-18, 25-16.

Makakatuwang ni Nitu­ra sa opensa si Marie Joy Aseo na nagtala ng 10 mar­kers kasama ang limang spikes, apat na service aces at isang block sa huli nilang laban.

Pero tiyak na mapapa­laban sila dahil nais din ng Lady Tamaraws na ma­kausad sa Final Four, nasa pang-apat na puwesto ang FEU na may 7-5 baraha kapareho ng University of Sto. Tomas.

Kaya asahang parehong ibubuhos ng Adamson at FEU ang kanilang lakas dahil maging ang UST ay malaki rin ang tsansa na pumalo ng bola sa semis.

ADAMSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with