‘5-peat’ ‘di pakakawalan ng Benilde vs Letran
MANILA, Philippines — Kukumpletuhin ng nagdedepensang De La Salle-College of Saint Benilde ang ‘five-peat’ sa pagharap sa Colegio de San Juan de Letran sa ‘winner-take-all’ Game Three ng NCAA Season 101 women’s volleyball finals.
Pag-aagawan ng Lady Blazers at Lady Knights ang korona ngayong alas-2:30 ng hapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.
Inangkin ng Lady Blazers ang Game Two, 25-18, 25-21, 27-25, tampok ang 19 markers ni Season 101 Most Valuable Player Zam Nolasco sa kanilang best-of-three championship series.
“Iyong na-gain naming knowledge nu’ng Game One nagbigay talaga sa amin ng gigil and gusto naming makabawi talaga and gusto rin naming makuha iyong inaasam naming goal,” ani Nolasco.
Nauna nang kinuha ng Lady Knights ang Game One, 17-25, 25-23, 20-25, 25-14, 15-11, kung saan humataw si Judiel Nitura ng 21 points.
Sa alas-12 ng tanghali paglalabanan ng St. Benilde Blazing Blazers at Mapua Cardinals ang men’s championship.
- Latest





















