Benilde puwede pa sa ‘five-peat

MANILA, Philippines — Buhay pa ang pag-asa ng Lady Blazers para sa ‘five-peat’.
Ito ay matapos ang 25-18, 25-21, 27-25 demolisyon ng nagdedepensang De La Salle-College of Saint Benilde sa Colegio de San Juan de Letran sa Game Two ng NCAA Season 101 women’s volleyball championship series kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.
Pumalo si MVP Zam Nolasco ng 19 points para itabla ang Lady Blazers sa 1-1 sa kanilang best-of-three titular showdown ng Lady Knights.
“After nu’ng natalo kami sa first game parang sinabi ko na kaya pa, kakayanin ko, tapos dadalhin ko iyong team sa Game Three. And ayun nangyari naman po,” ani Nolasco sa naunang 25-17, 23-25, 25-20, 14-25, 11-15 kabiguan ng St. Benilde sa Letran sa Game One.
Pag-aagawan ng magkaribal ang korona sa Game Three bukas sa parehong venue.
Samantala, sinikwat ng University of Perpetual Help System DALTA ang third place trophy matapos ang 25-18, 25-18, 26-24 pagwalis sa San Beda University.
Bumira si Cyrille Almeniana ng team-high 20 points at may tig-11 markers sina Geraldine Palacio at Jemalyn Menor para sa podium finish ng Lady Altas.
- Latest


















