Irish fighter iniligpit ni Magsayo sa round 5
MANILA, Philippines — Pinasuko ni Filipino boxing contender Mark Magsayo si Irish fighter Feargal McCrory sa fifth round sa kanilang non-title lightweight fight kahapon sa Meta Apex, Las Vegas.
Pinaganda ng US-based na si Magsayo ang kanyang win-loss-draw ring record sa 29-2-0 tampok ang 18 knockouts, habang laglag ang marka ni McCrory sa 17-2-0 (9 KOs).
Nirapido ni Magsayo ng malalakas na suntok si McCrory sa fifth round kung saan ipinatigil ng corner ng Irishman ang laban sa referee sa huling 21 segundo.
Nauna nang kumonekta ang 30-anyos na si Magsayo ng isang matulis na right hand na nagpauga kay McCrory kaya ito napahawak sa lubid.
“Kudos to my opponent, he’s a good fighter,” sabi ni Magsayo matapos ang laban nila ni McCrory.
Mas komportable si Magsayo na lumaban sa lightweight division mula sa featherweight class.
“Big difference. I’ve had a great training camp. I’m strong. This is my prime,” dagdag ng Pinoy boxer sa kanyang unang laban para sa Zuffa Boxing, ang promotional company ni Ultimate Fighting Championship boss Danna White.
- Latest


















