East playoffs top spot kinuha ng Pistons
PHILADELPHIA - Bumitaw si Tobias Harris ng 19 points at nagtala si Daniss Jenkins ng 16 points at 14 assists sa 116-93 paggupo ng Detroit Pistons sa 76ers para angkinin ang top seed sa Eastern Conference playoffs.
Huling napasakamay ng Detroit (56-21) ang top spot sa East playoffs noong 2006-07.
Nauna na nilang sinikwat ang Central Division title sa unang pagkakataon sapul noong 2007-08.
Humakot si center Jalen Duren ng 16 points at 7 rebounds, habang may 14 markers si Ausar Thompson para sa kanilang ika-12 panalo sa huling 15 laro.
Pinamunuan ni guard Tyrese Maxey ang Philadelphia (43-35) sa kanyang 23 points at may 20 at 19 markers sina Paul George at VJ Edgecombe, ayon sa pagkakasunod.
Kumamada si George ng average na 25.8 points sa anim na laro matapos ang kanyang 25-game suspension dahil sa paglabag sa NBA drug policy.
Sa Denver, humakot si center Nikola Jokic ng 40 points, 13 assists at 8 rebounds at nagdagdag si Christian Braun ng 21 points sa 136-134 overtime win ng Nuggets sa San Antonio Spurs.
Tinapos ng Denver (50-28) ang 11-game winning streak ng San Antonio (59-19) na nakahugot kay 7-foot-4 Victor Wembanyama ng 34 points, 18 rebounds, 7 assists at 5 blocked shots.
- Latest


















