Lady Knights puro na

MANILA, Philippines — Tinakasan ng Colegio de San Juan de Letran ang nagdedepensang De La Salle-College of Saint Benilde, 17-25, 25-23, 20-25, 25-14, 15-11, sa Game One ng NCAA Season 101 women’s volleyball finals kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.
Humataw si Judiel Nitura ng 21 points mula sa 18 attacks, dalawang service aces, at isang block para sa 1-0 lead ng Lady Knights sa kanilang best-of-three championship series ng Lady Blazers.
Nagdagdag si Vanessa Sarie ng 19 markers habang tumipa si Gia Maquilang ng triple-double na 18 points, 17 digs at 13 receptions para sa Intramuros-based spikers.
Maaari nang kumpletuhin ng Letran ang ‘sweep’ sa St. Benilde sa Game Two at angkinin ang inaasam na titulo sa Miyerkules sa parehong venue.
- Latest

















