Yulo swak sa horizontal bar finals sa Cairo World Cup

MANILA, Philippines — Muling nagpasiklab si Eldrew Yulo matapos humirit ng silya sa finals ng men’s horizontal bar sa 2026 World Cup Series Cairo Leg na ginaganap sa Cairo International Stadium sa Egypt.
Nagpamalas ng solidong routine si Yulo upang makalikom ng 13.466 puntos na nakuha nito sa 4.900 difficulty at 8.566 execution sa qualifying round.
Inokupahan ni Yulo ang ikatlong puwesto sa eight-man finalists sa naturang event.
Nanguna si Li Hong Yan ng China na nagrehistro ng 14.433 puntos (5.800 difficulty at 8.633 execution) habang pumangalawa si Luciano Letelier ng Chile na may 13.533 (5.300 difficulty at 8.233 execution).
Pasok din sa finals sina Marios Georgiou ng Cyprus na may 13.366 points, Camilo Vera ng Colombia na may 13.366, Daniel Marinov ng Russia na may 13.000, Ilyas Azizov ng Kazakhstan na may 12.800 at Nikolaos Iliopoulos ng Greece na may 12.666.
Nagtapos naman sa ika-10 puwesto ang isa pang Pinoy na si Juancho Miguel Besana na naglista ng 12.233 puntos.
Isa si Besana sa dalawang reserve players kung saan sakaling may mag-withdraw sa event ay kukunin sila mula sa mga nasa reserve list.
Nasa reserve list din si Altan Dogan ng Turkey na may 12.600 para sa ikasiyam na puwesto.
Ito ang ikalawang event ni Yulo na nakapasok ito sa finals. Una na sa men’s floor exercise noong Sabado.
Gaganapin ang finals ng floor exercise Linggo ng hatinggabi habang ang finals naman ng horizontal bar ay idaraos ng Lunes ng hatinggabi — parehong oras sa Maynila.
Hindi naman pinalad na makapasok sa finals si Yulo sa vault at parallel bars.

Chris Co

- Latest