76ers kumapit sa No. 6 spot sa East

PHILADELPHIA - Kumamada si Paul George ng 23 points at may tig-21 markers sina Tyrese Maxey at Kelly Oubre Jr. sa 115-103 panalo ng 76ers sa Minnesota Timberwolves.
Kumolekta si center Joel Embiid ng 19 points, 13 rebounds at 7 assists para sa 76ers (43-34) na nanatili sa sixth place sa Eastern Conference.
Umiskor sina Julius Randle at Bones Hyland ng tig-21 points sa panig ng Minnesota (46-31) habang nalimitahan si Anthony Edwards sa walong marka sa kanyang pagbabalik sa laro matapos magkasakit sa kanilang 108-113 pagkatalo sa Detroit Pistons.
Nagtala si Embiid ng 13 points sa third period kung saan humataw ang 76ers ng 42 markers kumpara sa 24 markers ng Timberwolves.
Naagaw ng Minnesota ang 70-68 abante sa huling 2:50 minuto ng nasabing yugto bago humataw ng 15 points ang Philadelphia para sa kanilang 83-71 kalamangan papasok sa fourth quarter.
Ang three-point shot ni George ang naglatag sa 17-point lead ng 76ers na naputol ng Timberwolves sa six-point deficit sa huling 1:30 minuto ng laro.
Nagsalpak si Oubre ng magkasunod na 3-pointers para muling ilayo ang Philadelphia sa Minnesota.
Sa iba pang laro, pinasabog ng Houston Rockets ang Utah Jazz, 140-106; dinagit ng Atlanta Hawks ang Brooklyn Nets, 141-107; pinadapa ng Charlotte Hornets ang Indiana Pacers, 129-108; at inilampaso ng New York Knicks ang Chicago Bulls, 136-96.
76ers kumapit sa No. 6 spot sa East
PHILADELPHIA --Kumamada si Paul George ng 23 points at may tig-21 markers sina Tyrese Maxey at Kelly Oubre Jr. sa 115-103 panalo ng 76ers sa Minnesota Timberwolves.

- Latest