Taduran kampeon pa rin
MANILA, Philippines — Napanatiling suot ni Filipino world champion Pedro Taduran ang kanyang International Boxing Federation (IBF) minimumweight crown matapos ang seventh-round knockout win kay Mexican challenger Gustavo Perez Alvarez kahapon sa Pechanga Resort and Casino sa Temecula, California.
Ito ang unang laban ng 29-anyos na si Taduran sa United States at sinamahan ni boxing legend Manny Pacquiao sa ibabaw ng boxing ring.
Pangatlong matagumpay na title defense ito ng tubong Libon, Albay para itaas ang kanyang win-loss-draw ring record sa 20-4-1 tampok ang 14 KOs.
May 16-2-0 (5 KOs) ngayon ang 27-anyos na si Perez Alvarez.
Dalawang beses pinabagsak ni Taduran si Perez Alvarez sa round four at isa sa round six bago tinapos ng Pinoy champion ang Mexican sa huling 1:34 minuto ng round seven kung saan itinigil ni referee Thomas Taylor ng laban.
Samantala, wagi naman si Jimuel Pacquiao kay American Darrick Gates via knockout para sa kanyang unang panalo sa pro boxing.
Nauwi sa draw ang unang pro fight ng anak ni ‘Pacman’ laban kay Brendan Lally noong Nobyembre ng 2025.
Personal ding pinanood ni Pacquiao ang laban ni Jimuel na nangangarap na sundan ang kanyang mga yapak.
- Latest























