^

PSN Palaro

NU walang balak bumitaw kontra Adamson

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Muling kakapit ang defending champion National University kay super rookie Samantha Cantada upang masikwat ang pandiinang panalo kontra Adamson University sa UAAP Season 88 collegiate women’s volleyball tournament na lalaruin sa UST Quadricentennial Pavilion sa España, Manila.

Pakay ng Lady Bulldogs na palakasin ang kapit sa second spot ng team standings, kasalukuyang hawak nila ang 7-3 karta habang solo sa tuktok ang last year’s runner-up na De La Salle University na walang mantsa matapos ang 10 laro.

Magsisimula ang girian ng NU at Adamson sa alas-5 ng hapon habang sa alas-11 ng umaga ang kaldagan ng UST at UE.

Habang papalapit na ang semifinals ay importante ang bawat panalo, mahirap makabangon kapag nadadapa sa laban.

“For me, hindi pa tapos yung laban just because natalo kami ng isang game. Siguro, ang inisip lang namin agad ay what’s next? And also kailangan talaga naming mag-move forward kasi may mga next games pang nakaabang sa amin,” ani graduating setter Lams Lamina.

Bukod kina Cantada at Lamina, kukuha rin ng lakas ang Lady Bulldogs kina Evangeline Alinsug, Arah Ella Panique at Alexa Michole Mata.

Pursigido naman ang Lady Falcons na malampasan ang performance nila nakaraang taon, asam din nilang makabalik sa Final Four matapos ang tatlong taong pagliban.

Samantala, lahat ng laro ay mapapanood ng live sa Pilipinas Live app, One Sports, at  sa UAAP Varsity Channel.

UST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with