Central Division title inangkin ng Pistons

DETROIT — Bumanat si center Jalen Duren ng 31 points at 9 rebounds sa 127-116 paggupo ng Pistons sa Toronto Raptors para angkinin ang Central Division title.
Ito ang kanilang unang division title sapul noong 2007-08 season.
Kumakamada si Duren ng mga averages na 23.4 points at 10.5 rebounds sa pitong laro simula nang magkaroon si star forward Cade Cunningham ng lung injury noong Marso 17 sa kanilang 130-117 panalo sa Washington Wizards.
Nagdagdag si Daniss Jenkins ng 21 points para sa Detroit (55-21) at may 19 markers si Duncan Robinson sa kanilang pang-pitong panalo sa huling siyam na laro.
Umiskor si RJ Barrett ng 24 points sa panig ng Toronto (42-33) habang may 22 markers si Brandon Ingram.
Ang buzzer-beating three-pointer ni Jenkins ang nagbigay sa Pistons ng 59-54 halftime lead na kanilang pinalobo sa 86-66 sa third period mula sa inihulog na 27-12 bomba.
Tuluyan nang nabaon ang Raptors sa 81-100 papasok sa fourth quarter.
Sa iba pang laro, lusot ang Orlando Magic sa Phoenix Suns, 115-111; wagi ang Houston Rockets sa New York Knicks, 111-94; tinalo ng Milwaukee Bucks ang Dallas Mavericks, 123-99; at dinaig ng Charlotte Hornets ang Brooklyn Nets, 117-86.
- Latest


















