^

PSN Palaro

Eldrew kakasa sa World Cup Series sa Egypt

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling magtatangkang humirit ng gintong medalya si Karl Eldrew Yulo sa Cairo Leg ng prestihiyosong FIG Artistic Gymnastics World Cup Series na gaganapin sa Egypt.

Magsisimula ang natu­rang world series sa Cairo sa Abril 3 kung saan pakay ni Yulo na makapagbigay ng magandang performance upang makasikwat ng medalya.

Muling sasabak si Yulo sa qualifying event sa mga individual apparatus kung saan sasalang ito sa floor exercise, vault, parallel bars at horizontal bar.

Nagpasya si Yulo na hindi na lumahok pa sa iba pang apparatus na pommel horse at still rings dahil sa iniindang minor injury.

Kaya naman sesentro ang atensiyon nito sa mga events kung saan malakas ang tsansa nitong makakuha ng medalya. Una na rito ang floor exercise.

Pinagharian ni Yulo ang naturang event sa Antalya Leg ng World Cup Series noong nakaraang buwan sa Turkey matapos magtala ng 14.100 puntos.

Ito ang ikatlong leg ng World Cup Series na lalahukan ni Yulo.

Una na itong sumalang sa Baku Leg sa Azerbaijan kung saan nakapasok ito sa final round ng floor exercise at horizontal bar subalit bigo itong makakuha ng medalya.

Sa Antalya Leg, tanging sa floor exercise lamang ito nakahirit ng tiket sa final round at masuwerteng nakuha ang gintong medalya.

Inaasahang sasabak din ito sa Osijek Leg ng World Cup Series na magsisimula naman sa Abril 9 sa Croatia.

EGYPT

KARL ELDREW YULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with