Jazz pinasikatan ng Suns

PHOENIX -- Bumanat si Fil-Am Jalen Green ng 31 points at may 26 markers si Devin Booker sa 134-109 pagsilaw ng Suns sa Utah Jazz.
Nagdagdag si Grayson Allen ng 19 points para sa Phoenix (41-33) habang may 13 at 12 markers sina Oso Ighodaro at Khaman Maluach, ayon sa pagkakasunod.
Dumikit sila sa sixth-place Houston Rockets (44-29), ang huling puwesto para makaiwas mahulog sa Western Conference play-in round.
Hindi na ginamit sina Green at Booker sa fourth quarter dahil sa malaki nilang kalamangan.
Bagsak ang sibak nang Utah (21-54) sa pang-limang dikit na kabiguan.
Umiskor sina Brice Sensabaugh at Kyle Filipowski ng tig-26 points para sa Jazz habang may 14, 13 at 11 markers sina Svi Mykhailuk, Ace Bailey at Kennedy Chandler, ayon sa pagkakahilera.
Isang 21-2 atake ang ginawa ng Suns sa first quarter para ilista ang 37-17 abante tampok ang 11 points ni Green.
Ipinoste ng Phoenix ang biggest halftime lead sa season sa 73-45 sa likod ng 20 markers ni Green.
Sa iba pang laro, pinadapa ng San Antonio Spurs ang Milwaukee Bucks, 127-95; panalo ang Detroit Pistons sa Minnesota Timberwolves, 109-87; tinalo ng Philadelphia 76ers ang Charlotte Hornets, 118-114; wagi ang Atlanta Hawks sa Sacramento Kings, 123-113; at dinaig ng Memphis Grizzlies ang Chicago Bulls, 125-124.
- Latest

















