^

PSN Palaro

Pacquiao optimistiko sa rematch nila ni Mayeather

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Optimistiko si eight-division world champion Manny Pacquiao sa rematch nito kay undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. sa Set­yembre.

Matapos ang mahigit isang dekada, natuloy din sa wakas ang muling pagtutuos nina Pacquiao at Mayweather na magaganap sa Setyembre 19 sa Las Vegas, Nevada.

Matagal din ang na­ging negosasyon ng mag­kabilang kampo matapos maudlot ang ilang mga usapan sa nakalipas na mga taon.

Kaya naman excited na si Pacquiao na muling makaharap si Mayweather sa ibabaw ng ring.

Naniniwala si Pacquiao na hindi pa naman huli ang lahat para sa rematch dahil pareho silang nasa kundisyon ni Mayweather.

“Hindi naman, ‘di naman tayo nagpabaya sa kundis­yon natin,” ani Pacquiao.

Nakatakda sanang sumalang sa exhibition match si Pacquiao laban kay dating junior welterweight champion Ruslan Provodnikov ng Russia.

Ngunit nilinaw ni Pac­quiao na hindi pa ito kasado.

“Hindi pa sigurado,” ani Pacquiao.

Posibleng hindi na ito matuloy upang lubos na mapaghandaan ni Pacquiao ang inaabangang blockbuster fight nito kay Mayweather.

Nais ng kampo ni Pacquiao na nasa perkpektong kundisyon ito bago ang rematch.

Hindi tulad noong unang nagharap sina Pacquiao at Mayweather noong 2015 kung saan nanalo ang American pug sa pamamagitan ng unanimous decision.

Matapos ang laban, inihayag ni Pacquiao na mayroon itong shoulder injury na nakuha nito habang nasa kasagsagan ng paghahanda para sa laban. 

OPTIMISTIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with