Ratsada ng Thunder tinapos ng Celtics
BOSTON , Philippines — Iniskor ni Jaylen Brown ang 14 sa kanyang 31 points sa third quarter para tulungan ang Celtics sa 119-109 pagpapatumba sa nagdedepensang Oklahoma City Thunder.
Tinapos ng Boston (48-24) ang 12-game winning streak ng Oklahoma City (57-16).
Kumolekta si Jayson Tatum ng 19 points, 12 rebounds at 7 assists para sa Celtics na kinuha ang 88-83 abante papasok sa fourth quarter matapos bumida si Brown sa third period.
Nakalapit ang Thunder sa 109-115 agwat sa huling 1:30 minuto ng fourth period. Ang layup ni Brown kasunod ang dalawang free throws ni Derrick White ang sumelyo sa panalo ng Boston.
Sa iba pang laro, panalo ang Los Angeles Lakers sa Indiana Pacers, 137-130; nirapido ng Philadelphia 76ers ang Chicago Bulls, 157-137; pinadapa ng Miami Heat ang Cleveland Cavaliers, 120-103; at dinaig ng San Antonio Spurs ang Memphis Grizzlies, 123-98.
- Latest




















