Nuggets lusot sa Phoenix Suns
PHOENIX — Nagkadena si Nikola Jokic ng 23 points, 17 rebounds at dinuplika ang season high 17 assists sa 125-123 pag-eskapo ng Denver Nuggets sa Suns.
Ito ang NBA-leading na ika-29 triple-double ni Jokic sa season.
Nagdagdag si Jamal Murray ng 21 points at may 18 markers si Tim Hardaway Jr. mula sa bench.
Isinalpak ni Jokic ang go-ahead 12-foot jumper sa huling 11.5 segundo para sa two-point lead ng Denver (45-28).
Tumalbog naman ang three-point attempt ni Devin Booker sa huling posesyon ng Phoenix (40-33).
Sa likod ni Booker ay nakabangon ang Suns mula sa 109-117 agwat sa Nuggets sa huling 3:19 minuto ng fourth period para makatabla sa 123-123 sa nalalabing 30.2 segundo.
Tumapos si Booker na may 22 points para sa Phoenix kasunod ang 21 markers ni Fil-Am guard Jalen Green.
Sa iba pang laro, tinusok ng Cleveland Cavaliers ang Orlando Magic, 136-131; at tinalo ng New York Knicks ang New Orleans Pelicans, 121-116.
- Latest






















