^

PSN Palaro

Wolves nakatikim na ng panalo sa Boston

Pilipino Star Ngayon

BOSTON - Kumamada si Bones Hyland ng 23 points at may 19 markers si Jaden McDaniels sa 102-92 panalo ng Minnesota Timberwolves sa Celtics para tapusin ang kanilang 18-game losing slump sa Boston.

Hindi naglaro si All-Star guard Anthony Edwards sa ikaapat na sunod na pagkakataon dahil sa kanyang right knee inflammation.

Nag-ambag si Ayo Dosunmu ng 17 points, 8 rebounds at 6 assists habang humakot si center Rudy Gobert ng 14 rebounds para sa Minnesota (44-28) na huling nanalo sa Boston (47-24) noong 2005.

Bumira si Jaylen Brown ng 29 points at naglista si Jayson Tatum ng 16 points at 11 rebounds para sa Celtics na nagtapos ang four-game winning streak.

Isang 16-0 bomba ang inihulog ng Timberwolves sa gitna ng fourth quarter matapos maiwanan sa 80-81.

Kasama sa nasabing atake ng Minnesota ang walong sunod na puntos ni Naz Reid na nagbalik sa aksyon matapos ang two-game absence dahil sa isang sprained right ankle.

Naisuko ng Boston ang hawak na 15-point lead at naiwanan sa halftime, 44-47.

Naglista ang Celtics ng 1-of-9 shooting sa 3-point area habang tumipa ang Wolves ng 1 for 7 clip.

Sa iba pang laro, sinunog ng Phoenix Suns ang Toronto Raptors, 120-98; pinatumba ng Denver Nuggets ang Portland Trail Blazers, 128-112; panalo ang Sacramento Kings sa Brooklyn Nets, 126-122; at dinaig ng New York Knicks ang Washington Wizards, 145-113.

EDWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with