^

PSN Palaro

Lito Tacujan

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Isa siyang haligi ng Philippine sportswriting.

For 32 years, siya ang sports editor ng Philippine STAR. Naging junior executive sa isang advertising agency bago pumasok sa Philippine News Agency at Manila Chronicle.

Outstanding product ng UST na nabigyan ng Lifetime Achievement Award ng Philippine Sportswriters Association.

Siya si Mr. Lito Tacujan.

Makulay ang mundo niya. Sa kahiligan sa golf ‘nung kabataan, nag-caddy siya sa Canlubang. Kaya sa a­ming sportswriters, siya ang undisputed champion sa golf.

At bilang sportswriter, idol ng karamihan. Naikot niya ang mundo at nakoberan ang pinakamalaking events kasama ang limang Olympics, Asian Games, SEA Games at ang 1975 Thrilla in Manila.

Nasa ringside siya ‘nung magbugbugan si Muhammad Ali at Joe Frazier sa Araneta Coliseum.  Ang kwento niya, yumayanig ang ring na parang may dalawang kalabaw na naghahabulan sa loob.

Nag-cover din siya ng Manny Pacquiao fights.

For 18 years, editor ko siya. Marami akong natutunan – as a sportswriter, as a person, as a parent. Naging ninong siya ng panganay ko. Malaki ang utang ng loob ko sa kanya.

Last Wednesday, pumanaw siya sa edad na 79. Maraming nilabanan na karamdaman over the recent years at nung Martes, kwento ng love of his life na si Ma’am Lina, nakita na lang siyang walang malay sa loob ng subdivision nila sa Canlubang.

Sakay ng kanyang golf cart na naka-park sa tabi ng chapel.

Paalam at salamat, BOSS LITO.

ABAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with