^

PSN Palaro

La Salle umulit sa Adamson

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
La Salle umulit sa Adamson
La Salle Lady Spikers
(UAAP Media Bureau)

MANILA, Philippines — Napalaban ng todo ang La Salle University bago kinaldag ang matikas din na Adamson University, 25-19, 17-25, 25-23, 25-23 kahapon sa UAAP Season 88 collegiate women’s volleyball tournament na nilaro sa Smart Araneta Coliseum.

Dahil sa panalo ay lalong tumibay ang kapit ng last year’s runner-up Lady Spikers sa tuktok ng team standings, tangan nila ang malinis na walong panalo.

May tsansa sanang makahirit ng deciding fifth set ang Lady Falcons matapos nilang makalamang ng apat na puntos, 20-16 subalit naging matatag ang DLSU at nasilo nila ang ma­hirap na panalo.

Sunod na makakaharap ng Lady Spikers ay ang University of Sto. Tomas sa Miyerkules ng ala-1 ng hapon sa parehong lugar.

Nalasap naman ng A­damson ang pang-apat na talo sa walong laro.

Samantala, sumampa sa No. 3 spot ng team standings ang University of Sto. Tomas matapos nilang lapain ang 21-25, 25-11, 25-22, 25-12 panalo kontra Ateneo de Manila University sa unang laro.

Lumabas ang bangis ng Golden Tigresses matapos nilang matisod sa set 1, hinarurot ang tatlong natitirang frames upang sikwatin ang panalo at ilista ang 5-3 karta kapareho ng Far Eastern University.

Nagsanib puwersa sina MVP frontrunner Angge Poyos at Regina Grace Jurado para tulungan ang España-based squad na ikahon ang three-game winning streak.

Tumikada si Poyos ng 25 points mula sa 22 attacks at tatlong blocks para sa Tigresses, 20 ang kinana ni Jurado habang bumakas si Jinna Chris Perdido ng 11 mar­kers.

Nalasap ng Ateneo ang pang-pitong kabiguan sa walong salang

LA SALLE UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with