Brown, Garza gumana sa Celtics vs Grizzlies

MEMPHIS, Tenn. - Humataw si Jaylen Brown ng 30 points habang umiskor si Luka Garza ng season-high 22 points sa 117-112 pagdaig ng Boston Celtics sa Grizzlies.
Nag-ambag si Payton Pritchard ng 19 points para sa four-game winning streak ng Boston (47-23) na nanatili sa second place sa Eastern Conference.
Pinamunuan ni Tyler Burton, lumagda sa isang 10-day contract noong Marso 12, ang Memphis (24-45) sa kanyang career-high 23 points at may 16 at tig-13 markers sina Ty Jerome, Javon Small at Jon Jarreau, ayon sa pagkakasunod.
Kinuha ng Grizzlies ang 103-102 bentahe sa 5:33 minuto ng fourth quarter bago maglunsad ang Celtics ng isang 10-0 atake para agawin ang panalo.
Sa Denver, kumamada si Jamal Murray ng 31 points at nagsalpak si Nikola Jokic ng isang go-ahead jumper sa huling 45 segundo sa 121-115 panalo ng Nuggets (43-28) sa Toronto Raptors (39-30).
Nagkadena si Jokic ng 22 points at 9 rebounds para sa Denver.
Sa ibang laro, panalo ang Portland Trail Blazers sa Minnesota Timberwolves 108-104; lusot ang New York Knicks sa Brooklyn Nets, 93-92; wagi ang Detroit Pistons sa Golden State Warriors, 115-101; at tinalo ng Houston Rockets ang Atlanta Hawks, 117-95.
- Latest



















