La Salle itataya ang 7-0 record vs Adamson
MANILA, Philippines — Ipagpapatuloy ng last year’s runner-up De La Salle University ang kanilang pamamayagpag pagharap nila sa Adamson University ngayong araw sa UAAP Season 88 collegiate women’s volleyball tournament na lalaruin sa Smart Araneta Coliseum.
Pakay ng Lady Spikers (7-0) na ikahon ang eight-game winning streak upang manatiling malinis ang kanilang karta at solohin ang top spot ng team standings.
Muling sasandalan ng Taft-based squad si team captain Shevana Laput na siyang namuno sa opensa nang kalusin nila ang defending champion National University, 25-21, 25-19, 19-25, 25-17 sa apat na sets sa 1st round elims.
Haharapin ng DLSU ang Lady Falcons ngayong alas-3 ng hapon pagkatapos ng bakbakan sa pagitan ng University of Sto. Tomas at Ateneo de Manila University sa ala-1 ng hapon.
Pero inaasahan na mapalaban ng husto ang Lady Spikers bago nila makuha ang inaasam na panalo dahil may ipinagmamalaki rin ang Lady Falcons na matinding armas.
Ipaparada naman ng Lady Falcons ang kanilang top scorer na si Shaina Marie Nitura.
- Latest




















