2026 MPTC Tour of Luzon pahirapan — Perez

MANILA, Philippines — Matinding labanan ang naglalarawan sa pagpadyak ng MPTC Tour of Luzon 2026 edition tampok ang 14 stages na dadaan sa 13 probinsya para sa kabuuang 1,815.80 kilometro.
Tinawag na “A Heritage in Motion” mula sa 2025 edition “The Great Revival”, pakakawalan ang karera sa Abril 29 sa CaSobe sa Calatagan at magtatapos sa Mayo 13 sa Scout Hill sa loob ng John Hay Hotels sa Baguio City.
“It’s a balance of a route for the climbers and sprinters,” sabi ni Tour of Luzon CEO at Chief Organizer Arrey Perez sa labanan sa Tour of Luzon na muling inihahandog ng MPTC (Metro Pacific Tollways Corp.).
“Teamwork will play a crucial role in the race with the domestiques expected to do a challenging task to bring their respective team’s in the GC (general classification),” dagdag nito.
Higit sa 20 koponan, bukod sa limang foreign squads, ang inaasahang lalahok sa Tour of Luzon kung saan ang final list ay ihahayag sa Philippine Sportswriters Association Forum sa Martes.
Nakatakda ang Stage 1 sa CaSobe sa Calatagan para sa CALABARZON sojourn bago dumayo sa Central Luzon at Cagayan Valley patungo sa Ilocos Region at Cordillera Autonomous Region.
Ang Stage 1 ay isang 150.10 kilometer Calatagan to Tagaytay race kasunod ang 150.10 kms Team Time Trial Stage 2 sa Clark, Pampanga patungo sa New Clark City sa Tarlac.
Nakatakda ang Final Stage 14 sa Lingayen hanggang Camp John Hay sa Baguio City.
Ang Stage 3 ay 140.10 kms race mula Clark hanggang Palayan City sa Nueva Ecija, habang ang Stage 4 ay 165.80 kms mula Palayan papuntang Bayombong, Nueva Vizcaya.
Nakalatag sa Stage 5 ang 130.60 kms galing Santiago City patungo sa Tuguegarao na susundan ng 228.90 kms Stage 6 mula Tuguegarao City hanggang Pagudpud.
Ang Stage 7 ay 22.90 kms ITT sa Pagudpud at ang Stage 8 ay 157.40 kms mula Pagudpud patungo sa Paoay.
Ang Stage 9 ay ang Laoag to Candon route na tatakbo ng 142.60 kms at susundan ng Stage 10 131.20 kms sa Candon at ang Stage 11 ay 158.70 kms galing sa Candon papuntang San Juan, La Union.
Papadyak ang Stage 12 146.40 kms sa Agoo papuntang Daang Kalikasan sa Mangatarem, habang ang Stage 13 20 kms ay ITT stage sa Lingayen bago ang final Stage 14 sa Lingayen hanggang Camp John Hay sa Baguio City.
- Latest




















