^

PSN Palaro

Magic dinagit ng Hawks

Pilipino Star Ngayon

ATLANTA -  Kumana si Nickeil Alexander-Walker ng career-high 41 points at inilista ni Jalen Johnson ang kanyang ika-13 triple-double sa season sa 124-112 pagdagit ng Hawks sa Orlando Magic.

Tumipa si Johnson ng 24 points, 15 rebounds at 13 assists para sa kanyang ikalawang sunod na triple-double  habang nagdagdag si Dyson Daniels ng 15 points at 12 rebounds.

Sumasakay ngayon ang Atlanta (37-31) sa isang 10-game winning streak at muling nabawi ang eighth place sa Eastern Conference.

Nagtapos naman ang pitong dikit na ratsada ng Orlando (38-29).

Umiskor si Alexander-Walker ng 24 points sa first half para tulungan ang Hawks sa pagpoposte ng 67-50 halftime lead.

Pinalobo nila ito sa 23-point lead sa 5:12 minuto ng third quarter patungo sa pagtatala ng 29-point advantage.

Matapos maiwanan sa pagsisimula ng fourth quarter, 83-104, ay nakalapit ang Magic sa 12-point deficit sa huling 3:30 minuto ng laro.

Humakot si Paolo Banchero ng 18 points at 10 rebounds sa panig ng Orlando habang may 18 markers si Desmond Bane.

Sa iba pang laro, panalo ang Los Angeles Lakers sa Houston Rockets, 100-92, tinalo ng Portland Trail Bla­zers ang Brooklyn Nets, 114-95; wagi ang Boston Celtics sa Phoenix Suns, 120-112; at pinadapa ng Chicago Bulls ang Memphis Grizzlies, 132-107.

WALKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with