Perpetual teams target ang semis spots
MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng University of Perpetual Help System DALTA ang Final Four berth sa pagsagupa sa Emilio Aguinaldo College sa kanilang ‘do-or-die’ game sa NCAA Season 101 women’s volleyball tournament sa Strike Gym sa Bacoor City, Cavite.
Lumasap ang Lady Altas ng 18-25, 25-19, 25-27, 22-25 kabiguan sa Lady Generals sa una nilang duwelo sa quarterfinals noong Linggo.
“We need to play good defense and good play execution in order to win this playoffs,” sabi ni coach Sandy Rieta sa muling pagsagupa ng kanyang Perpetual Help sa EAC.
Maglalaban ang Lady Altas at Lady Generals ngayong alas-2:30 ng hapon. Swak na sa Final Four ang College of Saint Benilde Lady Blazers matapos ang 22-25, 25-15, 25-23, 25-17 panalo sa Arellano Lady Chiefs.
Sumampa rin sa semis ang Colegio de San Juan de Letran Lady Knights sa bisa ng 28-26, 12-25, 25-14, 25-22 pagdaig sa San Sebastian College-Recoletos Lady Stags.
Sa men’s division, target din ng Altas ang semis spot sa muling pagharap sa Knights matapos ang 25-17, 21-25, 15-25, 23-25 kabiguan sa una nilang pagkikita sa quarterfinals.
Sa alas-11 ng umaga maghaharap ang Altas at Knights.
Pasok na sa semis ang Chiefs mula sa 25-12, 25-16, 23-25, 25-18 pagsibak sa Stags.
- Latest


















