^

PSN Palaro

Giannis, Bucks panalo sa Pacers

Pilipino Star Ngayon
Giannis, Bucks panalo sa Pacers
Ang dunk ni Milwaukee Bucks forward Giannis Antetokounmpo matapos makawala sa depensa ng Indiana Pacers
STAR/ File

MILWAUKEE - Humakot si Giannis Antetokounmpo ng 31 points, 14 rebounds at 8 assists bago nagkaroon ng injury sa third quarter at tinalo ng Bucks ang Indiana Pacers, 134-123.

Masama ang bagsak ni Antetokounmpo matapos ang kanyang slam dunk sa dulo ng third quarter at inilabas sa laro.

Nagbalik siya sa aksyon at muling dumakdak kasunod ang dalawang free throws bago tuluyang dalhin sa kanilang locker room.

Nauna nang hindi nakalaro ang 31-anyos na two-time MVP sa 31 games ngayong season dahil sa right calf injury.

Hindi siya nakita sa kanilang naunang 99-122 kabiguan sa Atlanta Hawks noong Sabado dahil sa sprained left ankle.

Nagdagdag si Bobby Portis ng 29 points at 10 rebounds habang may 20 markers si Ryan Rollins para sa Milwaukee (28-39).

Pinamunuan ni Aaron Nesmith ang Indiana (15-53) sa kanyang 32 points at may 16 markers si Jay Huff.

Humabol ang Bucks mula sa 62-65 pagkakaiwan sa halftime bago itayo ang 18-point mula sa isang 15-3 atake para ibaon ang Pacers sa 119-101 sa 8:45 minuto sa fourth quarter.

Sa iba pang laro, panalo ang Philadelphia 76ers sa Portland Trail Blazers, 109-103; tinalo ng Toronto Raptors ang Detroit Pistons, 119-108; at wagi ang Dallas Mavericks sa Cleveland Cavaliers, 130-120.

GIANNIS ANTETOKOUNMPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with