Donaire magreretiro na ba?
MANILA, Philippines — Posibleng magretiro na si dating four-time world division champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire Jr.
Ito ay matapos makalasap ang 43-anyos na si Donaire ng isang eighth-round stoppage laban kay Japanese Riku Masuda sa kanilang title eliminator fight noong Linggo sa Yokohama, Japan.
Bumagsak si Donaire sa seventh round matapos tamaan ng isang matulis na left straight ni Masuda.
Sa huling 1:12 minuto sa round eight ay inihagis na ng corner ng Pinoy boxing legend ang white towel senyales ng pagsuko sa laban.
May 43-10-0 win-loss-draw ring record ngayon ang tubong Talibon, Bohol tampok ang 28 knockouts.
Ito ang ikaapat na kabiguan ni Donaire sa huli niyang limang laban kasama ang second round TKO loss kay undisputed bantamweight champion Naoya Inoue sa kanilang rematch noong 2022
- Latest





















