Coo sa PSA Forum ngayon
MANILA, Philippines — Ipagdiriwang ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ang National Women’s Month sa pamamagitan ni legendary bowler at sports commissioner Oliva ‘Bong’ Coo bilang special guest ngayong araw sa Philippine Sports Commission media room.
Ilalahad ni Coo ang kanyang pet project na PSC Women in Sports Awards na idaraos sa Marso 20 sa PICC.
Sa pakikipagtulungan sa government sports agency, ang awards ceremony ay bahagi ng PSC Women in Sports program para sa promosyon ng gender exclusivity at pagkilala sa kahusayan ng mga kababaihan sa hanay ng mga elite, para athletes at masters.
Nasa ikatlong taon, ang event ay unang idinaos noong 2024 sa Rizal Memorial Coliseum bago inilipat sa Century Park Hotel noong nakaraang taon.
Inihahandog ng San Miguel Corporation, PSC, Philippine Olympic Committee, MILO at 24/7 sports app ArenaPlus, magsisimula ang sesyon sa ganap na alas-10:30 ng umaga.
- Latest






















