Pacers bagsak sa Knicks

INDIANAPOLIS - Kumamada si Jalen Brunson ng 29 points at may 25 markers si OG Anunoby para gabayan ang New York Knicks sa 101-92 panalo sa Indiana Pacers.
Humakot si Mitchell Robinson ng career-high 22 rebounds bukod sa 12 points para sa ikalawang sunod na ratsada ng Knicks (43-25).
Hangad ng 2025 Eastern Conference runner-up ang top-four seed at home-court advantage sa first round ng playoffs.
Umiskor si Jarace Walker ng 18 points para Pacers (15-52).
Ito ang ika-12 dikit na kamalasan ng Indiana, ang defending Eastern Conference champions.
Naisuko ng New York ang hawak na 14-point, third-quarter lead at naiwanan sa 73-74 sa huling pitong segundo ng nasabing yugto.
Nabawi ng Knicks ang abante at nagsimulang lumayo sa fourth period at hindi na nakahabol ang Pacers.
Sa Houston, ipinasok ni Kevin Durant ang isang go-ahead 18-footer sa huling 7.6 segundo para sa 107-105 pagtakas ng Rockets (41-25) laban sa New Orleans Pelicans (22-46).
Sa iba pang laro, nilunod ng Los Angeles Clippers ang Chicago Bulls, 119-108; at panalo ang Cleveland Cavaliers sa Dallas Mavericks, 138-105.
- Latest

















